Ang fitness ay kinakalkula gamit ang iyong Relative na Pagsisikap (batay sa alinman sa data ng bilis ng tibok ng puso o input ng Naramdamang Pagod) at/o data mula sa metro ng lakas. Sa ganitong paraan, puwede mong matukoy ang mga pattern sa iyong pagsasanay at makita ang kabuuang larawan kung paano nagsasama-sama ang lahat ng iyong workout sa paglipas ng panahon. Ang iyong score ay ganap na nakabatay sa iyo. Ito ay nagsisilbing benchmark, para ipakita kung ilang puntos ang mayroon ka na sa kasalukuyan kumpara sa anumang petsa sa nakalipas na dalawang taon.
Pagtingin sa iyong Fitness Graph
Ang mga atleta na magsu-subscribe sa Strava ay puwedeng mag-access ng kanilang Fitness chart sa Strava mobile app. Piliin ang Ikaw > Progressat mag-tap kahit saan sa Fitness preview para buksan ang iyong chart.Kakailanganin mo ng kahit isang aktibidad man lang na mayroon ng alinman sa data ng bilis ng tibok ng puso, data ng Naramdamang Pagod, o data mula sa metro ng lakas para makabuo ng Fitness graph.
- Piliin ang saklaw ng oras na ipinapakita sa graph mula sa mga opsyon sa menu sa itaas.
- Ang porsyento ng pagtaas o pagbaba ng Fitness level para sa napiling timeframe ay ipapakita sa kulay na berde o itim ayon sa pagkakabanggit sa itaas ng graph.
- Ang numero sa orange na kahon na awtomatikong ipinapakita ay ang iyong Fitness score para sa kasalukuyang araw. Pumili ng anumang punto sa graph para makita ang iyong Fitness score para sa araw na iyon.
Mga FAQ
Paano maikukumpara ang Fitness sa Fitness & Freshness?
Ang Fitness & Freshness ay available lamang sa website ng Strava at, bukod sa Fitness, tina-track din nito ang mga level ng porma at pagkapagod. Ang Fitness ay available lang sa Strava mobile app. Alamin pa ang tungkol sa aming pamamaraan sa pagkalkula ng Fitness.
Paano maikukumpara ang Fitness sa Relative na Pagsisikap?
Ang Relative na Pagsisikap ay pinapagana ng data ng bilis ng tibok ng puso, o Naramdamang Pagod pero kinakalkula batay sa bawat aktibidad. Ang graph ng Relative na Pagsisikap ay idinisenyo para matulungan kang maintindihan kung naging mas matindi o hindi gaanong matindi ang mga workout mo sa linggong ito kumpara sa nakaraang linggo. Alamin pa ang tungkol sa Relative na Pagsisikap.
Ipapakita ba ng Fitness sa akin kung sobra na ako sa pagsasanay?
Hindi naman kinakailangan dahil patuloy na tataas ang iyong Fitness score habang nagsasanay ka. Inirerekomenda naming ikumpara mo ang iyong graph ng Relative na Pagsisikap para maunawaan kung masyado mong mabilis na pinapataas ang iyong aktibidad at kung nanganganib kang ma-injury o ma-overtrain. Ang Relative na Pagsisikap ang gagabay sa iyo kung gaano karami ang dapat na maging pagsasanay mo sa linggong iyon, habang ang Fitness naman ay tumutulong sa isang atleta na ma-track ang kanyang kabuuang progress at fitness sa paglipas ng panahon.
Kung magpapahinga ako sa pag-workout, bababa ba ang aking Fitness score?
Oo, magsisimulang bumaba ang iyong chart. Gayunpaman, pinapayagan ng Fitness ang pagbaba, kaya ang pagtaas at pagkawala ng Fitness sa paglipas ng panahon ay makatotohanan.
Paano ko pipiliin na gamitin ng Fitness ang bilis ng tibok ng puso ko o ang Naramdamang Pagod?
Sa bawat aktibidad, mapipili mo kung gusto mong gamitin ang data ng bilis ng tibok ng puso mo o ang iyong Naramdamang Pagod para mag-ambag sa parehong Fitness at Relative na Pagsisikap. Ang default ay ang data mula sa pang-monitor ng bilis ng tibok ng puso o metro ng lakas kapag available ito. Puwede mong i-toggle ang Naramdamang Pagod sa screen na I-edit ang Aktibidad para gamitin ito kung hindi tumpak ang iyong recording ng bilis ng tibok ng puso, o wala nito.
Ano ang pinakamataas na bilang na maaari kong makuha sa aking Fitness score?
Sinusukat ng Fitness ang naipon mong pagsasanay at pahinga, kaya walang hanggan ang ceiling nito. Dahil ang Fitness ay partikular sa iyo at sa sarili mong naipong pagsasanay, ang numero ay hindi nilalayong ihambing o maihahambing sa mga Fitness score ng iba.
Ano ang ibig sabihin ng mga bilog sa aking 1 buwang chart?
Ang mga bilog ay kumakatawan sa kabuuang load ng pagsasanay para sa araw na iyon, kung saan ang mas malaking bilog ay nangangahulugan ng mas malaking load. Kung gumagamit ka ng bilis ng tibok ng puso o Naramdamdang Pagod, ito ang magiging kabuuang Relative na Pagsisikap mo para sa araw.
Mga Komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.