Ang mga aktibidad mo na batay sa GPS ay puwedeng hatiin sa mas maliliit na seksyong tinatawag na mga segment. Ang mga segment ay tumutukoy ng mga partikular na feature o bahagi ng isang ruta – gaya ng pag-ahon, isang mahirap na kahabaan sa bahagi ng trail, o bahagi ng isang open-water na paglangoy. Sa bawat pagkumpleto mo ng isang segment, itinatala ang oras mo. Kapag may subscription sa Strava, puwede mong ihambing ito sa mga naunang pagsisikap at sa mga pagsisikap ng mga kaibigan mo at ng iba pang atleta.
Ang bawat uri ng aktibidad ay may mga sarili nitong segment at leaderboard. Ang mga siklista ay nakikipagpaligsahan sa mga kapwa siklista, ang mga runner sa mga kapwa runner, ang mga swimmer sa mga kapwa swimmer, ang mga hiker sa mga kapwa hiker, at iba pa.
Makikita mo na marami sa iyong mga aktibidad ang may mga dati nang segment, pero maaari ka ring gumawa ng sarili mong segment gamit ang tool na Gumawa ng Segment na makikita sa mga page ng aktibidad mo sa web.
Pagkakaroon ng mga achievement
Kapag nag-upload ka ng isang aktibidad sa Strava bilang isang subscriber, puwede kang magkaroon ng mga “achievement” para sa mga natatanging performance sa mga traverse na segment. Nakalista sa ibaba ang iba't ibang uri ng mga achievement.
Crown — King/Queen of the Mountain (KOM/QOM) o Rekord ng Ruta (CR)
Ang crown ay sumisimbolo sa nangungunang performer sa isang partikular na segment. Ibinibigay ang mga crown sa pinakamabilis na atleta sa kasalukuyan sa pangkalahatang leaderboard ng segment. Ang mga kasalukuyan mong all-time na KOM/QOM/CR crown ay naka-store sa isang espesyal na listahan sa Strava para maging reference mo. I-access ang listahan sa ilalim ng "Mga KOM/CR/Nangungunang 10" o "Mga QOM/CR/Nangungunang 10" mula sa iyong page ng profile sa web o sa ilalim ng “Mga Segment” mula sa iyong page ng profile sa mobile app. |
Trophy — Puwesto sa Pangkalahatang Nangungunang 10
Ang trophy ay ibinibigay kapag napabilang ka malapit sa nangunguna sa pangkalahatang leaderboard sa segment. May mga trophy para sa ika-2 hanggang ika-10 puwesto sa mga pagsisikap sa buong panahon. Ang mga kasalukuyan mong puwesto sa nangungunang 10 ay naka-store sa isang espesyal na listahan sa Strava para maging reference mo. I-access ang listahan sa ilalim ng "Mga KOM/CR/Nangungunang 10" o "Mga QOM/CR/Nangungunang 10" mula sa iyong page ng profile sa web o sa ilalim ng “Mga Segment” mula sa iyong page ng profile sa mobile app. |
Medalya — Personal na Puwesto sa Nangungunang 3
Ang mga medal ay ibinibigay para sa iyong mga pinakamahusay na personal na performance sa isang segment. Kapag makakapagtala ka ng bagong personal na record sa isang segment, makakatanggap ka ng "PR" na medal. Gayundin, para sa iyong pangalawa at pangatlong pinakamabilis na oras. Para sa mga runner, may mga medalya ring ibinibigay para sa mga pinakamaganda mong performance sa mga sumusunod na distansya: 400m, 1/2 milya, 1k, 1 milya, 5k, 10k, half marathon, at marathon. |
Laurel Crown — Local Legend
| Ang laurel crown ay nagsasaad na ikaw ang Local Legend ng isang segment. Para makuha ang Local Legend na achievement, kailangan mong magkaroon ng mas maraming pagtutugma sa segment kaysa sa sinupamang atleta sa nakaraang 90 araw. |
Mga Komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.